KASO NG COVID-19 SA PINAS PATULOY SA PAGTAAS

PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pinakahuling tala ay 291 ang nadagdag na panibagong kaso kayat umabot na sa 5,223 ang kabuuang bilang nito.

20 naman ang dumagdag sa bilang ng mga namatay at pumalo na ito sa 335.

Samantalang 53 recoveries naman ang nadagdag sa bilang kaya umakyat na sa 295 ang mga gumaling sa sakit. D. ANIN

378

Related posts

Leave a Comment