2 ABU SAYYAF, PATAY SA ENGKUWENTRO

TAWI-TAWI – Dead on the spot ang dalawang kasapi ng bandidong Abu Sayyaf Group nang makasagupa ang pinagsanib na puwersa ng mga pulis at militar sa lalawigang ito.

Sa ulat ni AFP Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Cirilito Sobejana , naka-engkuwentro ng ASG kidnap for ransom ang pinagsanib na pwersa ng Marine Battalion Landing Team-6, Tandubas Municipal Police Station, at Provincial Mobile Force Company  sa Barangay Taruk, bayan ng Tandubas noong nakalipas na Linggo.

Ayon kay Lt. Col., Arvin Encinas, WESMINCOM spokesman, tumagal nang mahigit sa 10 minuto ang sagupaan bago tuluyang tumakas ang Sulu-based ASG kidnap for ransom group at inabandona ang kanilang mga kasamahan na kinilalang sina sina Jul Haber alyas “Black Shabu” at Toks at si Kamsel Ampang

Sa isinagawang clearing operation, natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng dalawang bandido at kanilang mga armas, kabilang ang isang M16 rifle, 123 rounds ng 5.56mm live ammunition, mga magazine para sa M16 rifle, isang rifle grenade, isang suspender, at isang sachet ng shabu.

“Jul Haber is an ASG/KFRG member who arrived at Sitio Gigipan, Brgy Dungon, Panglima Sugala, Tawi-Tawi noong May 2017,” ani Col. Arturo Rojas, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi. (JESSE KABEL)

221

Related posts

Leave a Comment