PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang mamamayang Filipino na bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay sa sementeryo.
Ngunit hanggang 10 katao lamang ang pwedeng pumunta nang sabay sa sementeryo at memorial parks.
Pero ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, depende na management ng sementeryo at memorial parks ang magiging desisyon kung ilang katao sa grupo ang papayagan nilang makapasok anomang oras na naisin ng mga ito.
Kailangan lamang na ang minimum public health standards gaya ng social distancing ay masunod.
Sa kabilang dako, patuloy na ipinagbabawal naman ng pamahalaan ang malalaking pagtitipon na posibleng pag- ugatan ng pagkalat ng COVID-19.
Nauna rito, pinayagan ng pamahalaan ang religious gatherings na may maximum na 50% ng worship venue capacity sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.
Pinayagan na rin ang dine-in establishments na magbalik-operasyon na may limitadong kapasidad. CHRISTIAN DALE
195
