MISTULANG sirang plaka na inuulit lang dahil walang bago sa naging rekomendasyon ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan kaugnay sa kung paano pagbubutihin ang pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga rekomendasyon ni Robredo ay matagal nang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force ng pamahalaan.
Nauna rito, lumiham si Robredo kay Sec. Roque na naglalaman ng mga suhestiyon hinggil sa procurement ng test kits, paghawak ng locally stranded individuals, pagu-ulat ng kaso ng Department of Health (DoH) at pag-adopt sa service contracting para sa mga jeepney driver na apektado ng pandemya.
“I’m about to send my response to her letter today and my response is all her suggestions, we’ve long implemented,” ayon kay Sec. Roque.
“Thank you very much, [the] IATF has long recommended all of your suggestions. There is nothing new in her recommendation,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Tinawagan din ng pansin ni Robredo ang IATF na isama ang League of Cities of the Philippines sa body.
Sinabi ni Sec. Roque na nag-iimbita naman ang task force ng mga local official bilang resource persons.
“We always consult them,” diing pahayag ni Sec. Roque.
At sa naging pahayag ni Robredo na handa siyang makipagtulungan sa pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 ay ang naging tugon ni Sec. Roque ay “We’ve welcomed all her contributions. I don’t think it’s an issue if she can help. She can do whatever she has been doing and it’s very much appreciated.”
Ani Sec. Roque, ginagawa naman ng pamahalaan ang mga tamang hakbang para tugunan ang pandemya matapos akusahan ni Robredo ang gobyerno na bigong kumilos sa simula pa lamang ng public health crisis noong Enero. (CHRISTIAN DALE)
232
