14 MILYON TINAMAAN NG COVID-19 WORLDWIDE

UMAABOT na sa halos 14 milyon ang mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 13,937,253 na ang global cases ng tinamaan ng virus.

Nabatid na nakapagtala ng mahigit 240,000 bagong kaso sa magdamag.

Ang Estados Unidos pa rin ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 3,694,948 matapos itong madagdagan ng mahigit 73,000.

Pangalawa ang Brazil na may mahigit 43,000 bagong kaso habang mahigit 35,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.

Umakyat naman ang South Africa sa pang-anim na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang datos ang Chile at Mexico.

169

Related posts

Leave a Comment