‘Di na kayang tumanggap ng COVID patients NKTI, ST. LUKE’S PUNUAN NA

HINIMOK kahapon ng National Kidney and Transplant Institute at St. Luke’s Medical Center ang mga pasyenteng may hinihinalang kaso ng COVID-19 na lumipat na lamang sa ibang ospital.Inanunsyo ng dalawang ospital na ang kanilang mga pagamutan sa Quezon City at sa St. Luke’s Global City ay naabot na ang full capacity.

“To all emergency COVID-19 (suspect or probable) or non-COVID-19 patients, please find a way to transfer to your hospital of choice,” ayon sa open letter ni NKTI executive director Rose Marie Rosete-Liquete.

Ayon pa kay Rosete-Liquete, “for many weeks now, our COVID-19 facility has had 100-percent occupancy and dialysis patients from other centers keep flooding our already congested emergency room.”

Inihayag pa ng opisyal na 174 na sa NKTI staff ang mga nagpositibo sa nasabing sakit.

Ang St. Luke’s naman sa isang banda ay nag-post sa kanilang Facebook page na ang kanilang beds for critically and mildly ill COVID-19 patients ay hindi na rin kayang tumanggap ng mga bagong pasyente.

Noong Abril ay umabot dun sa full capacity sa COVID patients ang NKTI.

Ani Rosete-Liquete, araw-araw ay umaabot sa 76 na PUIs ang kanilang tinatanggap at 59 na PUIs na nangangailangan ng dialysis.

Puno aniya ng pasyente ang ospital, maging ang kanilang COVID Field na mayroong 75 bed capacity. (JOEL O. AMONGO)

216

Related posts

Leave a Comment