PULIS ITINUMBA SA BARANGAY HALL

NUEVA ECIJA – Patay ang isang pulis na nakatalaga sa checkpoint matapos barilin ng riding in tandem sa bayan ng San Antonio, Huwebes ng gabi.

Sa inisyal na ulat mula sa San Antonio MPS, naka-duty ang biktimang si PSMS Bert Reyes dakong 10:20 ng gabi nang barilin ito ng hindi pa nakikilalang salarin.

Pumasok umano sa barangay hall ang biktima para makapagpahinga nang dumating ang mga salarin. Agad binaril si Reyes na nasapol sa ulo saka tumakas ang mga suspek sakay ng Yamaha Mio.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Ayon pa sa ulat, dating nakatalaga sa local intelligence office si Reyes.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

198

Related posts

Leave a Comment