2 DRUG PUSHERS, PATAY SA BUY-BUST

QUEZON – Dalawang hinihinalang drug pusher ang napatay sa anti-illegal drugs operation ng PNP sa bayan ng Lucban sa lalawigang ito, nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon Provincial Director Police Colonel Audie Madrideo ang mga napatay na sina Rex Carubio, 39, at Philip Natividad, 44, parehong taga Muntinlupa City.

Batay sa report, isinagawa ng mga tauhan ng Lucban Police ang buy-bust operation sa Diversion road, Barangay Kulapi dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Matapos makabili ng isang sachet ng shabu ang poseur buyer mula sa mga suspek, nakatunog umano si Carubio na pulis ang ka-deal kaya nagkabarilan na ikinasapol at ikinamatay nito. Tinangka namang tumakas ni Natividad na pinaharurot ang sinasakyang kotseng Mazda ngunit tinugis ng mga pulis.

Nang masukol, bumaba ito ng sasakyan at nakipagbarilan sa humahabol na MGA pulis na agad din nitong ikinamatay.

Narekober sa napatay na mga suspek ang apat na sachet ng shabu at dalawang .45 kalibreng baril. (NILOU DEL CARMEN)

133

Related posts

Leave a Comment