TUMAMA ang magnitude 5.6 na lindol sa Davao Oriental, Linggo ng umaga.
Nangyari ito 81 kilometro southeast ng Manay town dakong 11:12 a.m., ayon sa Phivolcs.
Sinasabing tectonic ang origin ng lindol at may lalim na aabot sa 59 kilometers, ayon Phivolcs.
Naramdaman din ang pagyanig sa Malungon, Sarangani; Alabel, at Kiamba, Sarangani; General Santos City; Koronadal City, at sa Tupi, South Cotabato. (CATHERINE CUETO)
