Solon sa mga korap sa PhilHealth ‘HEALTH IS WEALTH’

LITERAL na ‘health is wealth” ang tingin ng mga corrupt official ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at mga kasabwat ng mga ito dahil nagpapayaman sila sa pondo para sa
kalusugan ng mamamayan.

Ito ang tingin ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa mga nasa likod ng pagnanakaw sa pondo ng mamamayan para sa kanilang kalusugan.

“Oo. Health is Wealth sa kanila (mga corrupt official),” ani Brosas dahil imbes na gamitin ang pondo para masiguro na magamot ang sakit ng mga miyembro ay ninanakaw nila ito.

Taliwas aniya ang pananaw na ito ng mga corrupt official sa PhilHealth sa kasabihan na ang kalusugan ay kayamanan ng bawat isa kaya dapat itong pangalagaan.

“Tingin ko sa sakit ng bansa hindi puwedeng ang pangunahing ahensya na tumutugon sa kalusugan ay may malalang sakit ng korapsyon,” ayon pa sa mambabatas.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa inisyal na pagtataya, umaabot umano sa P15 bilyonang naibulsa ng mga corrupt official sa pondo ng mamamayan sa PhilHealth.
Subalit sa pagdinig ng House committee on public account na pinamumunuan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, halos P154 bilyon ang nawalang pondo sa ahensya mula nang
ipatupad ang All Case Rate (ACR) noong 2013,  administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hanggang 2018.

Lumalabas na gumastos ang PhilHealth ng P512 bilyon sa nabanggit na mga taon subalit lumabas sa audit ng Comission on Audit (COA) na mahigit P102 bilyon ang overpayment at mahigit P51
bilyon ang nawala sa corruption.

Samantala, sinabi ni Brosas na hindi dapat mabalam ang imbestigasyon sa katiwalian sa PhilHealth sa pagkakasakit umano ng mga opisyal nito na iniimbestigahan sa anomalya.

Ito ay matapos magpaalam sina PhilHealth EVP and COO Arnel De Jesus at President Ricardo Morales sa Senado na hindi sila makadadalo sa susunod na pagdinig sa usapin ng kanilang kalusugan.

CLEANSING

Samantala, iginiit ni House deputy majority leader Leader Bernadeth Herrera na kailangang isailalim sa agarang ‘financial check-up at cleansing” ang PhilHealth bago bayaran ang kanilang obligasyon.

“PhilHealth should come clean about its current financial standing and must be willing to go through a cleansing process to rid the agency of corrupt officials and employees prior to any
government bailout,” ayon kay Herrera. (BERNARD TAGUINOD)

213

Related posts

Leave a Comment