SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA
NABANGGIT ko sa nakalipas kong column ang kahalagahan ng sports bilang libangan ng mga Pilipino lalo ngayong panahon na lugmok ang karamihan sa problemang dulot ng pandemya.
Kaya naman tuloy lang ang Philippine Basketball Association (PBA) para ihanda ang mga players para sa inaabangang pagbabalik nito, uunahin muna ang pag-eensayo upang masanay muli sila sa bakbakan sa court, bago buhayin muli ang Season 45 na biglang nahinto para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Karamihan sa mga sports organizations sa mundo ay sumusunod sa sistema ng muling pagbubukas ng National Basketball Association (NBA). Pinag-planuhan at pinag-isipan mabuti ng NBA ang kanilang mga hakbang para bumuo ng makabago, strikto at ligtas na “bubble facility” para mahiwalay at ma-protektahan ang players habang pinagpapatuloy ang regular 2020 season at playoffs.
Malaki ang sakripisyo ng mga NBA players sa ganitong sitwasyon, kailangan nilang mag-impake at iwan ang kanilang mga pamilya nang mas mahabang panahon para makasama ang iba pang
NBA players sa quarantine facility sa Disneyland sa Orlando, Florida. Para makaiwas sa pangungulila, naglaan din ang NBA ng programa para ma-alagaan ang mental at psychological health ng mga players.
Ang mga sakripisyong ito ng mga players ay siguradong papahalagahan ng mga basketball fans sa buong mundo, lalo na ang mga bansang basketball-crazy, tulad ng Pilipinas. Laking tuwa ng mga basketball fans sa buong bansa nang malamang mapapanood muli ang paborito at pinananabikang mga laro ng NBA sa bahay, habang kasama ang buong pamilya.
Kamakailan lang ay inanunsyo ng Cignal TV na pumirma ito ng tatlong taong kontrata sa NBA upang i-ere ang mga laro nito sa free-to-air channels TV5 at One Sports. Bukod dito, pwede ring mapanood ang NBA nang live at via replays sa pay TV sa pamamagitan ng NBA TV Philippines, ang exclusive channel ng Cignal para sa premium at postpaid subscribers nito.
Nagsimula na ang pagpapalabas ng NBA games nitong huling linggo – kinalaban ng nangununang LA Lakers ang pinalakas na LA Clippers at live itong napanuod sa Cignal TV, TV5 at One Sports.
Mayroon ding tingi-tingi o “ala carte” na handog ang mga Cignal brands. Para sa mga umaalis ng bahay para pumunta sa trabaho, ang NBA games ay available din sa mobile platform. Ang One
Sports naman at TV5 naman ay available sa Cignal Play mobile app. Smart ang magbibigay access ng NBA content sa mga users.
Pinalawig din ng Smart ang partnership nito sa NBA sa pamamagitan ng NBA League Pass – ang premium live game subscription service. Ila-livestream ng Smart ang NBA TV Philippines sa bago nitong serbisyo, na magiging available exclusively sa postpaid subscribers ng Smart.
Ayon kay Smart President at CEO Al Panlilio, bagay na bagay sa mga Pinoy ang mga bagong serbisyo na ito, “We are elated to partner with NBA to bring the world’s premier basketball league to the comfort of the homes of every Filipino. This reinforces our commitment to bring amazing experiences through technology made simple by Smart,” dagdag pa ni Panlilio.
Tuluy-tuloy ang pag-upgrade ng Smart at PLDT ng kanilang serbisyo, at kamakailan lang ay naparangalan ang mga programa nila sa pagpapabilis ng koneksyon ng subscribers.
Ayon sa Ookla, isang kilalang internet test at analysis global research company, ang PLDT at wireless subsidiary nito na Smart ang nanguna sa Pilipinas pagdating sa bilis ng internet connection, base sa sukat ng Speed test.
Sa mga natitirang buwan ng 2020, hindi papatinag ang PLDT at Smart sa pagpapatuloy ng pagpapalawig ng network capacity nito, lalo na umano sa data internet transport. Sa aking personal na experience, talaga namang malaki ang improvement sa bilis ng mobile data ko at internet connection sa bahay, kaya mas napapadali ang palitan ng komunikasyon at impormasyon sa kabila ng pandemya.
Tunay na malaking tulong para sa mga katulad ko na basketball fans ang muling pagbubukas ng NBA at ang paghahatid nito sa publiko ng Cignal, PLDT at Smart.
Inaabangan ko na ang NBA playoffs at Finals at karamay ko ang milyun-milyong Pilipino. Mabuti na lamang at may mga programang tulad nito para maging enjoyable ang pananatili natin sa
bahay bilang tugon sa mga mas pina-igting na regulasyon ngayong modified enhanced community quarantine.
