DAPAT dumalo si Health Secretary Francisco Duque sa ikatlong pagdinig ng Senado sa multi-bilyong anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang magpaliwanag sa kanyang pananahimik.
Inihayag ito ni Senador Risa Hontiveros kasabay ng paglalantad ng lahat ng katiwalian sa ahensya mula nang maluklok ang kalihim bilang presidente ng PhilHealth mula noong 2001.
“I am looking forward to the attendance of Secretary Duque sa susunod na hearing sa PhilHealth. Gaya ng nauna kong mga sinabi, dapat siyang magpaliwanag dahil siya ang may institutional
memory sa ahensya. Dapat alam ng lahat na maghahalos dalawang dekada na sa liderato ng PhilHealth si Sec. Duque, simula pa noong 2001,” ayon kay Hontiveros.
Sinabi ni Hontiveros na simula 2001 hanggang 2005, nagsilbi si Duque bilang presidente mismo ng PhilHealth.
“Sa mga panahong ito, COA flagged excesses in administrative expenses for 2004 amounting to 490 million pesos. It was during Duque’s term as PhilHealth President that “PLAN 5 MILLION” – the distribution of free PhilHealth cards to support the candidacy of a former President against FPJ – was conceived,” ayon sa mambabatas.
Ayon pa kay Hontiveros, simula 2005 hanggang 2009, naging secretary si Duque ng Department of Health (DOH) kaya naging chairperson ng PhilHealth.
“Sa mga panahong ito, COA flagged excesses in administrative expenses in 2008 and 2009 for P80M and P200M respectively,” aniya.
Inihayag din ng senador na noong 2010-2015, naging chairperson si Duque ng Civil Service Commission at miyembro ng PhilHealth Board.
“Noong Blue Ribbon Committee Hearing last year tungkol din sa PhilHealth, napag-alaman na may mga “mafia” circumventing reassignment dahil sa mga delayed decisions ng CSC. Ito ba ang mga hindi magalaw-galaw sa loob ng PhilHealth?,” giit pa ng senadora.
“Since 2017, nung naging secretary of Health si Sec. Duque, balik-chairperson siya ng PhilHealth.
Noong 2018: COA flagged excessive and unauthorized Representation Allowance and Transportation Allowance (RATA) worth P7.898M,” ayon kay Hontiveros.
Aniya, noong June 2019, sinampahan si Duque ng graft at reklamong plunder matapos payagan ang PhilHealth provincial office na rentahan ang lupain na pag-aari ng kanyang pamilya.
“PhilHealth entered into a contract with the Educational and Medical Development Corporation in May 2018, of which Duque is a stockholder and her sister is the current President,” ayon pa sasenadora.
Iginiit pa ni Hontiveros na hindi puwedeng tahimik si Sec. Duque sa mga alegasyon at isyu ng PhilHealth kasi halos dalawang dekada siyang nakaupo sa liderato nito.
“He should help us shed light on the numerous allegations of corruption in PhilHealth. Kasi parang may mga grupo-grupo o mga mafia sa loob ng PhilHealth at siya bilang may institutional memory, gusto kong malaman kung ano ang extent ng kanyang involvement o kaaalaman sa mga modus sa loob,” aniya.
“Bilyon-bilyong piso at mukhang may sistema na mismo ang nakawan sa loob ng PhilHealth. Hindi ito posible kung walang mafia o mga grupo sa loob. Hindi ito posible kung wala rin silang mga
backer,” paliwanag pa ni Hontiveros “Kaya Sec. Duque: ano ang alam mo?,” tanong niya. (ESTONG REYES)
246 