PAKISTANI BOMB MAKER IPADE-DEPORT NG BI

IPINOPROSESO ng Bureau of Immigration (BI) ang deportasyon sa overstaying Pakistani national na naaresto kamakailan ng mga tauhan ng Police Palawan matapos mahulihan ng mga baril at pampasabog.

Iniutos ni Immigration Commissioner Jaime Morente sa BI Legal Division ang pagsasampa ng ka song paglabag sa Immigration law sa 29-anyos na si Haroon Bashir.

Ang dayuhan ay naaresto ng mga awtoridad noong Agosto 6 sa kanyang tinutuluyan sa Atis Road, Dacillo Compound, Brgy. San Jose, Puerto Princesa City, Palawan.Ayon kay Morente, ang Pakistani na hinihinalang bomb maker, ay isinasailalim sa deportation proceedings dahil sa overstaying at bilang undocumented alien.

“A check of his travel record in our database showed that he arrived in the Philippines on 28 April 2013, and that he never left the country since then,” ani Morente.

Idinagdag pa niya, bukod sa overstaying sa bansa nang mahigit pitong taon, hindi rin nakapagpakita si Bashir ng passport o anumang travel document.

Ayon pa sa report, ang regional office ng Philippine National Police sa MIMAROPA Region ay kasalukuyang iniimbestigahan ang dayuhan na posibleng sangkot sa local terrorist groups.

Ipinaliwanag pa ni Morente, bagama’t may BI orders sa Bashir’s summary deportation, ay hindi pa rin siya maaaring ipatapon pabalik sa kanilang bansa hangga’t  hindi nasasampahan ng criminal charges para sa ‘possession of deadly weapons’ at sa sandaling maipababa ang hatol sa kanya ay bahala na ang bansa ang magkulong sa kanya.

“It is only after he has served his sentence that we can deport him,” ani BI Chief.  “He will then be blacklisted and banned from reentering the country.”

Ayon sa mga operatibang umaresto sa suspek, si Bashir ay nakumpiskahan ng .45 kalibreng baril at dalawang improvised explosive devices (IED) na agad na-detonate makaraan ang pagsalakay. (JOEL O. AMONGO)

133

Related posts

Leave a Comment