MULING nakapagtala ng pitong bagong pagkamatay sa COVID-19 ang Quezon City.
Sa Quezon City COVID-19 Media Bulletin noong Agosto 20, nadagdagan ng pitong bagong namatay sa COVID-19 ang lungsod.
Bunsod nito, umabot na sa kabuuang bilang na 385 ang mga namataty sa COVID-19 sa siyudad.
Ayon naman sa report ng Department of Health (DOH) hanggang noong Agosto 20, ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay umabot na sa 9,394.
Ang kabuuang bilang kumpirmadong kasong na may kumpletong address sa lungsod ay nasa 9,319.
Nakapagtala naman ng kabuuang bilang ng validated cases ang QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices, sa bilang na 9,293.
May karagdagang 254 cases na naisama sa 9,039 na naiulat noong Agusto 19 kung kayat nakapagtala ng kabuuang bilang na 9,293 validated cases. Kaugnay nito, ang active COVID-19 cases sa lungsod ay 2,129. (JOEL O. AMONGO)
172
