PALIWANAG UKOL SA QUORUM SA SENADO

RAPIDO ni PATRICK TULFO NAGANAP na nga ang pagpapalit ng liderato ng Senado sa huling araw ng session ng mataas na kapulungan nitong Miyerkoles (June 3, 2026). Nasipa sa pwesto si dating Senate President Alan Peter Cayetano at nabakante ang chairmanships ng iba’t ibang komite at muling nagluklok ng mga bagong chairman, matapos na ideklarang bakante ng bagong mayorya ang mga posisyon. Nangyari ito matapos na magkaroon ng quorum o sapat na bilang ang dating minorya sa pagsulpot ni Sen. Chiz Escudero sa plenaryo. Ang ibig nga palang sabihin ng…

Read More

‘Di drawing: Pangako sa edukasyon, tinutupad ni Yorme Isko

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA politika, madalas nating marinig ang mga pangako. May mga ipinapangako sa panahon ng kampanya na kalaunan ay nalilimutan kapag natapos na ang halalan. Kaya naman sa tuwing may isang pangakong natutupad, lalo na kung direktang nakikinabang ang mamamayan, nararapat lamang itong kilalanin. Kahapon, ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang 551 Smart TV at 982 laptop para sa mga guro ng Kindergarten at Grade 1 sa mga pampublikong paaralan ng lungsod. Para sa…

Read More

Sino ang tunay na nagpapalaki ng gulo? ISYU NG SENADO: ANG PAGMAMALINIS NG ‘MINORITY BRATS’ SA GITNA NG TENSYON

LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS MADALING magturo ng daliri kapag magulo ang kwarto. Mas madali ring maghugas-kamay at magkunwaring biktima kapag ayaw mong aminin na isa ka sa mga nagkalat. Ito mismo ang eksenang makikita natin ngayon sa Senado, kung saan ang tinaguriang “Minority Brats” ay tila may hawak na script ng walang-katapusang pagmamalinis habang ibinabato ang lahat ng sisi sa Majority Bloc. Pero kung susuriing mabuti ang takbo ng mga pangyayari, mapapailing ka na lang. Ang lakas makabintang, pero sila mismo ang may hawak ng mitsa ng tensyon. Nang…

Read More

Jehovah Rapha

HOPE ni GUILLER VALENCIA JEHOVAH Rapha means “The Lord Who Heals.” Unang nabasa ang pangalan sa Exodus 15:26. Pagkatapos na ang mga Israelista ay tumawid ng Red Sea at tatlong araw silang pagala-gala sa Desierto ng Shur nang walang tubig. Bagama’t nakakita sila ng river subalit ito’y mapait na ang tawag ay Marah. Dito nga inutusan si Moses na magbato ng piece of wood sa tubig para maging drinkable. Sa milagrong ito ipinahayag ng Diyos, “I am the Lord who heals you.” Siya nga ang Jehovah Rapha, kapahayagan ng katauhan…

Read More

KAPAG AGRESIBONG PULITIKA NAGING HADLANG SA PRODUKTIBONG SENADO

EDITORIAL NATURAL sa isang demokratikong lipunan ang pagkakaroon ng oposisyon o minorya. Mahalaga ang kanilang papel bilang tagapagbantay, tagapagtanong, at tagapaghamon sa mga polisiya at desisyon ng mayorya. Ngunit may malaking pagkakaiba ang masigasig na pagbusisi sa agresibong pulitika na mas nakatuon sa komprontasyon kaysa paglutas ng mga problema. Sa mga nagdaang pangyayari sa Senado, kapansin-pansin ang lalong tumitinding tensyon sa pagitan ng mayorya ni SP Alan Peter Cayetano at minorya na kinabibilangan ng magkapatid na Tulfo. Ang matitinding pahayag, personal na banatan, at sunod-sunod na akusasyon ay tila naging…

Read More

PNP HINDI MUNA TATANGGAP NG HIGH-PROFILE DETAINEE

INATASAN ni PNP Chief PGen Jose Melencio Nartatez Jr. ang PNP Legal Service na ipaalam sa Sandiganbayan na hindi muna maaaring tumanggap ng mga high-profile detainee ang PNP Custodial Center sa Camp Crame. Matatandaang naghain si Senator Jinggoy Estrada ng kahilingan na mailagay sa kustodiya ng PNP. Ayon kay Nartatez, nakatakda ang rehabilitasyon ng Custodial Center at plano itong gawing mga opisina dahil sa pagdami ng mga tauhan ng PNP. Sinabi rin niya na may iba pang custodial facilities na maaaring paglagyan ng mga detainee at may sapat na seguridad.…

Read More

ALEGASYON NG 18 EX-MARINES KASINUNGALINGAN – TULFO

“MALAKING kasinungalingan ang mga naging paratang ni Bernard Gumban, isa sa mga nagpakilalang 18 Ex-Marines, sa ginaganap na BOGUS BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING”. Ito ang mariing pahayag ni Sen. Erwin Tulfo matapos siyang idawit sa mga hinatiran umano ng maleta na naglalaman ng pera. Ani Tulfo, “sobrang daming kasinungalingan, siya mismo ay litong-lito”. “Una, sabi niya sa kanyang naunang sinumpaang salaysay, nag-deliver raw siya sa akin ng anim na medium-sized na maleta. Ngunit, galing na mismo sa kanyang bibig na dalawa (2) at anim (6) na maleta ang kanyang idinedeklara.…

Read More

DILG USEC MABILOG INAKUSAHAN NG PAMUMULITIKA SA RICE PROGRAM

UMANI ng batikos si dating Iloilo City mayor at ngayo’y Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Public Safety Jed Patrick Mabilog matapos umanong pulitikahin ang Rice Program ng gobyerno, isa sa mga programang ipinatutupad sa pamamagitan ng local government units (LGUs). Binatikos ni Anilao Mayor Matet Debuque, na siya ring Vice President ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Iloilo Chapter, si Mabilog dahil sa may halong pulitikang tugon nito sa kanilang pag-uusap sa airport. Ayon kay Debuque, nang makita si Mabilog, na nagsilbing alkalde…

Read More

PH BIGONG MAKAPWESTO SA UN SECURITY COUNCIL

NABIGO ang Pilipinas na makakuha ng puwesto bilang non-permanent member ng United Nations Security Council (UNSC) matapos manalo ang Kyrgyzstan sa botohan para sa kinatawan ng Asia-Pacific Group. Sa isinagawang ikaapat na round ng botohan, nakakuha ang Kyrgyzstan ng 142 boto laban sa 49 ng Pilipinas, dahilan upang makamit nito ang kauna-unahang puwesto sa Security Council. Kasabay nito, nahalal din bilang mga bagong non-permanent member ng UNSC ang Zimbabwe, Austria, Portugal, at Trinidad and Tobago. Ang UNSC ay isa sa pinakamakapangyarihang sangay ng United Nations na may kapangyarihang maglabas ng…

Read More