NAPATAY ang isang suspected kidnap for ransom syndicate member at itinuturing na most wanted person sa kasong murder, sa inilunsad na law enforcement operation na pinangunahan ng PNP-Anti Kidnapping Group nitong Sabado ng umaga sa Antipolo City.
Ayon kay PNP-AKG Spokesman P/Major Ronaldo Lumactod, bandang alas-9:30 ng umaga nang maglunsad ng joint law enforcement operation, na pinangungunahan ng PNP-Anti Kidnapping
Group, na pinamumunuan ni P/Brig General Jonnel C. Estomo, laban sa isang tinuturing na most wanted person na may kasong murder.
Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marybelle Demot- Marinas, presiding judge ng Branch 8 RTC La Trinidad, Benguet, sinalakay ang pinagtataguan ng suspek na si Marlo Lacasti sa Sitio Sapinit, Brgy. San Juan, Antipolo City, sa pangunguna nina P/Col. Villaflor S. Bannawan, PNP-AKG chief, sa ilalim ng direct supervision ni P/BGen. Estomo, director ng AKG, kasama ang PIB Benguet PPO at Antipolo CPS, ngunit agad silang sinalubong ng mga putok ng suspek.
Dahil walang planong magpahuli nang buhay si Marlo Lacasti, napilitang gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang kamatayan ng suspek na napag-alamang may kasong murder at
hinihinalang kasapi ng isang kidnapping syndicate.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang .45 kalibreng baril na may bala, at isang cal. 45 fired cartridges case.
Nabatid na kinasuhan ang suspek ng murder dahil sa pagpatay sa kayang female employer na kinilalang si Ginang Juat na pinagtataga nito ng ilang ulit matapos niyang gahasain sa bahay ng biktima sa Sitio Sayangan, Tuel, Tublay, Benguet noong Marso 2013.
Mula noon ay nagtago na ang suspek at sumama sa ilang criminal groups na sangkot sa gun for hire, robbery and kidnapping sa Rizal Province.
Si Lacasti ay target ng manhunt operation ng PRO Cordillera at nakatala bilang no.1 most wanted person municipal level, sa Tublay, Benguet noong 2018. (JESSE KABEL)
198
