LSIs TARGET PAUWIIN BAGO MAG-PASKO

INIHAYAG ng Malakanyang na kung ang hatid-tulong initiative lamang ang masusunod, sa Oktubre 19 ay mapauuwi na ang lahat ng locally stranded individuals (LSIs).

Hangad ni Presidential management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo na bago sumapit ang Disyembre ay kapiling na ng mga LSI ang kani-kanilang pamilya para makapagdiwang ng Pasko kasama nila.

Ani Encabo, sakali mang dumating ang Oktubre at marami pa ring mga LSI ang kinakailangang mapauwi ay hihingi sila gabay sa Office of the President.

Aniya, kung kailangang magkaroon ng ‘extension’ sa hakbang na ito ng gobyerno ay handa nilang gawin bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mapauwi ang lahat ng mga LSI sa kani-kanilang mga lalawigan at makapiling ang kanilang pamilya.

Aniya, hangga’t may ‘resources’ sila ay mapapauwi nila ang target na bilang ng mga nais bumalik sa kanilang lugar bago sumapit ang Disyembre 25. (CHRISTIAN DALE)

 

124

Related posts

Leave a Comment