DUTERTE ILALATAG ANG GASTOS NG PAMAHALAAN VS COVID-19

ILALATAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang lingguhang public address mamayang gabi ang updates sa naging paggasta ng pamahalaan sa pagtugon sa  COVID-19.

Sasamahan si Pangulong Duterte ng ilan sa kanyang cabinet members sa public address na gagawin sa kanyang hometown sa Davao City.

“Isa po sa hiningi ni Presidente ngayon para sa talumpati niya ay iyong report sa lahat ng ahensiya ng gobyerno kung paano po nagastos ang mga COVID-related expenses. So, iri-report po iyan ng
ating Presidente,”  ayon kay Presidential  spokesperson Harry Roque.

“As of June 30,” nagpalabas ang pamahalaan ng  P374.9 billion para i-cover ang emergency assistance sa mga vulnerable group at individuals, wage subsidy measures, at assistance sa
displaced workers.

Ang Department of Social Welfare and Development ay nakatanggap ng malaking bahagi ng halaga   P200.98 billion para sa Social Amelioration Program para suportahan ang milyong  low-income households.

Ang Department of Labor and Employment ay nakatanggap ng P12.59 billion at ang Department of Agriculture ay P11.10 billion, para suportahan ang kanilang programa para sa mga displaced formal at informal workers, overseas Filipino workers at apektadong magsasaka at mangingisda.

Tinatayang P51 billion ay pinagkaloob naman sa mga manggagawa ng small businesses na labis na naapektuhan ng pandemya.

Ang Department of Health naman, ani Sec. Roque ay may P48.23 billion para pondohan ang agaran at patuloy na pagtugon sa COVID-19 response programs at maging ang pagbili ng test kits at PPEs.

Nauna rito, welcome naman sa Malakanyang ang panawagan ng ilang senador para sa special audit ng  government’s expenses sa laban kontra COVID-19 sa bansa.

Samantala, inihanda na ng Kongreso ang relief measures na nagkakahalaga ng P165.5 billion para mapanatili ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan at tulungan ang sektor na nilumpo ngpandemya. (CHRISTIAN DALE)

102

Related posts

Leave a Comment