HEALTHCARE WORKERS NA TINAMAAN NG COVID, HALOS 7K NA

MAYROON nang 6,499 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19, base sa tala ng Department of Health mula noong August 15, 2020 kasunod ng iniulat na 493 bagong kaso.

May total recoveries sa naturang hanay na umakyat sa 5,759 matapos gumaling ang nasa 693 at nanatili sa 39 ang namatay.

Aabot naman sa 701 medical workers na active cases ang sumasailalim sa treatment o quarantine.

Base pa sa ulat, may mataas na bilang ng COVID-19 cases sa limang medical professions, na kinabibilangan ng mga nurse (2,269 infections), doctors (1,368), nursing assistants (454), medical
technologists (282), at midwives (140 cases).

Nakasama rin sa mga dinapuan ng nasabing sakit ang mga non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards, at administrative staff. (D ANIN)

89

Related posts

Leave a Comment