SYMPTOMS CHECK, IKAKASA NA RIN SA WORKPLACES

MAS palalawakin ng Department of Health (DOH) ang ginagawa nitong pagpapatupad ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE).

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa halip na sa mga bahay – bahay lamang ang pokus na matukoy ang mga indibidwal na symptomatic,  pati workplace ay susuyurin na rin nila.

Ani Usec. Vergeire, sa workplace nila nakitang mayroong patuloy na pagtaas ng COVID-19.

Mayroon na aniya silang ginagawang koordinasyon sa ilang malalaking industriya upang maipatupad ang CODE sa workplaces at duon ay magsagawa na rin ng symptom check sa mga
empleyado.

“Tayo din po ay nakipag-ugnayan sa ilang malalaking industriya upang maipatupad po natin ang CODE sa mga workplaces kung ang kaso ng COVID-19 ay patuloy pong tumataas. Nabigyan po sila ng orientation, nabigyan sila ng guidance kung ano po ang dapat nilang gawin to avoid or to further contain the transmission within their workplaces,” ani Usec. Vergeire.

Sa kabilang dako, nakiusap naman si Usec. Vergeire sa publiko na huwag sanang pagtaguan ang mga health care worker na kakatok sa mga bahay -bahay upang mag-symptom check.

Hinihikayat niya ang mga mamamayan na makipag-ugnayan sa barangay kung sakaling sumama ang kanilang pakiramdam,” ayon kay Usec. Vergeire. (CHRISTIAN DALE)

92

Related posts

Leave a Comment