PDuterte humirit muli ng pasensya LUNAS SA COVID-19 MATATAGALAN PA

WALANG “magic bullet” para resolbahin ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) health crisis.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya hinikayat nito ang publiko na dagdagan pa ang pasensiya hanggang maging available ang bakuna.

Sa public address ni Pangulong Duterte ay tiniyak nito sa publiko na patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ang COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng recalibrating ng health system strategies.

Inamin ng Chief Executive na hindi perpekto ang gobyerno sa pagtugon sa hamon na dala ng pandemya subalit ginagawa naman aniya nito ang lahat ng magagawa para labanan ang sakit.

“There is no magic wand or if you want a stronger statement a — the magic bullet, a silver bullet, that will solve our problems. May sinubukan tayo since we are not perfect,” aniya pa rin.

Samantala, umaasa naman si Pangulong Duterte na ang China o ang Russia ay magbibigay sa Pilipinas ng kani-kanilang bakuna sa oras na makumpleto na ang clinical trials.

“Malapit na ‘yan. Russia, China, I dunno if anybody, alam ko lang yung dalawa, nag-announce na meron sila at ready and they’re willing to help. Both countries lumabas ng statement na tulungan nila ako,” ayon pa sa pangulo.

Ani Pangulong Duterte, handa siyang mangutang ng pera para bayaran ang vaccines kung hindi ito ibibigay nang libre.

“Kung may bayad, dahil marami masyado, utangin natin. Credit nalang or hanap tayo ng loan but if it’s not, I’m sure that they are willing to give us that privilege of borrowing from them,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

110

Related posts

Leave a Comment