PINAG-IINGAT ang mga residente sa paligid ng Bulkang Taal matapos magtala ng 26 na pagyanig o volcanic quakes sa nakalipas na 24-oras.
Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), aabot sa 50 meters na mahihinang steaming activity ang na-monitor bago ito mapadpad sa hilagang
kanluran at timog silangan na bahagi ng Daang Kastila trail.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang publiko na iwasan ang itinalagang Taal Volcano Permanent Danger Zone dahil sa banta ng mga minor ashfall at pagbuga ng volcanic gas. (ANNIE PINEDA)
177
