NAPASLANG sa law enforcement operation ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group ang isang most wanted personality at miyembro ng kilabot na Adjang Adjang criminal group nitong Miyerkoles ng umaga sa Sitio Dao, Brgy. Makiang, Siocon, Zamboanga Del Norte,
Ayon kay PNP-AKG Director Police Brig. General Jonnel C. Estomo, bandang alas-5:45 ng umaga, armado ng arrest warrant, sinalakay ng kanyang mga tauhan ang pinagtataguan ng wanted na si Lahaba Mujahid Bacolod alyas “Remy Bacolod” na itinuturing na isang ‘armed and dangerous wanted person’.
Ayon sa impormasyong inilahad ni Major Rannie Lumactod, PNP-AKG Information Officer, papalapit pa lamang ang kanilang mga tauhan, na pinamumunuan ni P/Lt. Colonel Clarence Gomeyac, OIC MFU- AKG, sa bahay na pinaglulunggaan ni Bacolod, ay sinalubong agad sila ng sunod-sunod na putok kaya napilitang gumanti ang mga awtoridad.
Sinubukan pang itakbo ng mga pulis sa Siocon District Hospital sa Siocon, Zamboanga Del Norte ang suspek subalit idineklarang dead on arrival ng hospital attending physician.
Nakuha ng composite operatives sa crime scene ang isang cal. 45 Caspian bearing serial No. 725941, na may inserted magazine, dalawang fired cartridges cases, isang fired slugs mula sa cal. 45, isang cal. 45 with Serial Nr. 682751, na may inserted magazine at 15 bala, at dalawang cellular phones.
Si Bacolod ay itinuturing na high profile member ng isang gun for hire group na kumikilos sa Zamboanga del Norte at utak sa pagpatay sa isang Engineer Tan sa Siocon noong 2012 .
Miyembro rin ito ng Adajang Adjang criminal group na nag-o-operate sa bayan ng Siocon, Sirawai, Sibuco at Baliguian, na pinamumunuan ng isang Commander Edris Manambahi alayas “Cmdr Buktot”.
Batay sa AKG MFU intelligence data, sangkot ang sindikato sa iba’t ibang criminal activities kabilang na ang kidnapping.
Matapos na magpositibo ang nakalap na intelligence info ay nagbuo ang PNP-AKG na isang law enforcement operation, sa tulong ng Siocon MPS, RMFB-9, Philippine Army 905th COY PA, 12 MICO 1MIB, 11D PA, at 2nd Wing PAF Maneuver Force laban sa target personality. (JESSE KABEL)
154 