ZAMBOANGA Sibugay – Limang kasapi ng teroristang Abu Sayyaf Group ang napatay habang dalawang sundalo ang nasugatan sa ikinasang joint AFP/PNP pursuit operation laban sa mga bandido sa Brgy. Pres. Roxas, RT Lim sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng umaga.
“This is the result of our pursuit operations against the armed elements of Abral Abdusalam and Sahibad Group led by Furuji Indama after our encounter in Barangay La Paz, Alicia, Zamboanga Sibugay dawn of Sunday, September 6, 2020,” ayon kay Lt. Col. Don Templonuevo, 44th Infantry Battalion commander.
Matapos ang mahigit 30 minutong sagupaan na nagsimula bandang alas-2:00 ng madaling araw ay nabawi ng mga sundalo sa isinagawang clearing operation ang apat na high-powered firearms.
Patuloy pa ring tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na mga Abu Sayyaf habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat na bangkay ng mga terorista.
Ayon kay Brig. Gen. Leonel Nicolas, commander, 102nd Infantry Brigade, masuwerteng agad nasupil ng militar ang plano ng mga Abu Sayyaf sa pagsasagawa ng kidnapping activities sa rehiyon base sa report na kanilang natanggap mula sa kanilang reliable source.
“The unit would also like to thank the locals who tipped-off the authorities of the presence of these terrorist groups which resulted to the timely response of our troops,” ani Brig. Gen. Nicolas. (JESSE KABEL/BONG PAULO)
68