TINATAYANG nasa humigit kumulang 400,000 Na lamang na mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ang kinakailangan pang mabigyan o maabutan ng ayuda.
Bunsod nito, sinabi ni DSWD Usec. Rene Glen Paje, na makaaasa ang natitira pang mga benepisyaryo na hindi pa nakatatanggap Ng 2nd tranche ng SAP na kanila itong makukuha.
Sinabi ni Paje, na naka-earmarked o nakalaan na ang pondo para sa ikalawang bugso ng SAP kaya’t makatitiyak aniya ang lahat ng qualified beneficiaries na maibibigay sa kanila ang financial assistance na ito.
Samantala, base aniya sa ulat kamakailan, umabot na sa mahigit 82 billion pesos ang naipamahagi sa 13.7 million beneficiaries Ng 2nd tranche ng SAP.
Dagdag ni Paje, ipinamahagi ang assistance na ito sa pamamagitan ng manual at digital payout, kung saan kasama na aniya ang beneficiaries ng 4Ps, non-4Ps members, mga waitlisted, nasa ECQ areas at gayundin sa mga transport network and vehicle service at PUV drivers. (CHRISTIAN DALE)
143
