MEKANIKO, TRIKE DRIVER TIKLO SA P170K SHABU

ARESTADO ang isang mekaniko at tricycle driver habang nakumpiska ang 25 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P170,000 ang street value, sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatibba ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) ng Las Piñas City Police sa B9, L16, Tropical Palace St., BF Intl/CAA, Las Piñas City dakong alas-4:30 ng hapon noong Lunes.

Nakuha sa mga suspek na sina Pedro Minguillan, 50, tricycle driver, at Abraham Frias, 32, mekaniko na target ng buy-bust operation, ang walong piraso ng sachet ng umano’y shabu at P500 marked money

Ayon sa imbestigasyon ng mga tauhan ng SDEU, na pinamumunuan ni P/Lt. Roberto Pareno sa direktang supebisyon ni Las Piñas chief of police P/Col. Rodel Pastor, ginagamit na front ng dalawang suspek ang pagiging mekaniko at tricycle driver sa pagbebenta ng ilegal na droga sa magkatabing erya ng Brgy. CAA, Las Piñas at Bgy. San Isidro, Parañaque City.

Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nakadetine sa station custodial facility ng Las Piñas City habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa sa mga ito. (DAVE MEDINA)

94

Related posts

Leave a Comment