PONDO NG BAYANIHAN 2 TIYAKING GRAFT-FREE

PINATITIYAK ng isang senador sa mga ahensya ng pamahalaan na magagamit nang maayos ang pondong inilaan sa Bayanihan 2.

Panawagan ni Senate commitee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go, gamitin ang pondo ng Bayanihan 2 nang maayos at graft-free at tiyaking matanggap ng mahihirap at vulnerable sector ang kailangang tulong.

Ayon kay Go, gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na transparent ang ehekutibo at lahat ay accounted sa kung ano ang nagastos sa pera ng gobyerno.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, may nakalaang P165.5 bilyon na recovery fund kung saan P140 bilyon dito ay nakalaan sa regular appropriations habang P25.5 bilyon ang standby funds.

Kabilang sa mga pinaglaanan ng pondo ang improvement ng healthcare system, implementasyon ng cash-for-work program, assistance to industries na naapektuhan ng pandemya at ang pagbili ng COVID-19 vaccines. (NOEL ABUEL)

164

Related posts

Leave a Comment