KORAP SA LTO VISAYAS BINALAAN NG MALAKANYANG

PINAYUHAN ng Malakanyang ang isang opisyal ng Land Transportation Office sa Visayas na mag-“shape up” sa gitna ng alegasyong kurapsyon laban sa kanya.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, una na umanong sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang public official na makatatakas hangga’t hindi napapanagot kaugnay sa alegasyong ipinupukol sa kanya.

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay kasunod ng ulat sa mga anomalya kaugnay sa release ng motorcycle plates mula sa LTO, nang matalakay ang naturang isyu sa press briefing sa Cagayan de Oro City.

Bagama’t hindi pinangalanan ang nasabing opisyal ay sinabi ng kalihim na nagbibigay naman ang gobyerno ng ikalawang pagkakataon para sa lahat ng nagkakasala, bagama’t hindi umano kinokunsinte ng pangulo ang anomang klase ng kurapsyon.

Magugunitang, naantala ang pagpapatupad sa kontrobersiyal na “doble plaka” law para sa mga motorsiklo na nilagdaan noon pang March 2019 dahil sa late delivery ng supplies. (CHRISTIAN DALE)

137

Related posts

Leave a Comment