SC BALIK NA SA 5-DAY WORKWEEK

BALIK na sa five-day workweek ang Supreme Court matapos aprubahan ng SC En Banc ang pagtanggal sa work-from-home arrangement sa Korte.

Batay sa resolusyong inilabas noong Abril 29, 2026, balik na sa 100 porsyentong on site reporting ang lahat ng empleyado mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon.

Pinapayagan din sa resolusyon ang overtime work sa “case-to-case basis” kung aprubado ng Chief Justice.

Sa kabila nito, mananatili pa rin ang ipinatutupad na energy conservation measures sa Korte Suprema.

Nilagdaan ang resolusyon ni Clerk of Court Marife Lomibao-Cuevas.

(JULIET PACOT)

100

Related posts

Leave a Comment