ARESTADO ang isang lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang pekeng “Magic Sarap” seasoning products sa Iligan City. Kinilala ang suspek na si alyas “Jojo,” residente ng Barangay Gusa, Cagayan de Oro City. Ayon sa ulat, nakipag-ugnayan ang mga kinatawan ng Nestlé Philippines sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek. Nasamsam mula sa kanyang pag-iingat ang 106 kahon ng hinihinalang pekeng “Magic Sarap” na nagkakahalaga ng P444,000. Natuklasang ibinebenta umano ang mga produkto sa iba’t ibang lugar. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Intellectual…
Read MoreDay: May 9, 2026
MISSING BANGKETA BABAWIIN NG LGU
ANG bangketa sadyang ginawa para sa ligtas na paglakad ng mga tao. Sa isang pahayag, muling pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Angono ang mga nasasakupang residente at mga negosyante hinggil sa implementasyon ng Anti-Street Obstruction Ordinance. Sa ilalim ng naturang ordinansa, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitinda, pag-iimbak, pagtatayo ng istruktura, paggamit sa bangketa bilang garahe ng sasakyan, paglalagay ng mga karatula at iba pang sagabal sa daang-tao. Bukod sa bangketa, saklaw rin ng naturang panuntunan ang kalsada, tulay, eskinita, liwasan at iba pang pampublikong lugar. Sa bisa ng Anti-Street…
Read More3 TIMBOG SA ‘PAIHI’ SA BATANGAS
KALABOSO ang tatlong indibidwal matapos maaktuhan sa ilegal na “paihi” operation sa Bauan, Batangas. Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Batangas Provincial Field Unit, sinalakay ng mga operatiba kasama ang territorial police units ang operasyon sa Barangay San Pedro. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mar,” “Win,” at “Boy.” Naaktuhan umano ang mga ito na nagsasagawa ng ilegal na pagsasalin ng produktong petrolyo mula sa tanker truck patungo sa mga walang lamang Intermediate Bulk Containers (IBCs) at drums nang walang kaukulang otorisasyon mula sa Department of Energy…
Read MoreUMALIS NG BAHAY, NATAGPUANG PATAY
PATAY na nang matagpuan sa kalsada ang isang 32-anyos na lalaki matapos umalis sa kanilang bahay sa Tanza, Cavite. Kinilala ang biktima sa alyas na “Kelvin,” residente ng Barangay Punta II, Tanza, Cavite. Ayon sa nakakita na si alyas “Yolando,” bandang alas-9:00 ng umaga nang mapansin nito ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa Barangay Punta II. Agad nitong ipinaalam sa security guard ng subdibisyon na siyang nagreport sa pulisya. Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na umalis umano ang biktima sa kanilang bahay noong Mayo 4, 2026 at hindi na…
Read More120 LOCAL AT FOREIGN ARTISTS NAGTIPON SA 13TH PULILAN MANDALA INT’L ART FESTIVAL
Pinangunahan ni Bulacan Vice Governor Alex Castro kasama si Pulilan Mayor RJ Peralta ang ribbon-cutting ceremony sa pagbubukas ng ika-13 Pulilan Mandala International Art Festival sa SM Center Pulilan nitong Biyernes, Mayo 8. Kasama rin sa larawan sina organizer Andrew De Guzman, Vice Mayor Atty. Imee Cruz, SM Regional Operations Head Ana Datu, DOT Region III Director Dr. Richard G. Daenos, at UP Cebu Fine Arts Studio Arts Program Prof. Dennis “Sio” Montera. (ELOISA SILVERIO) NAGTIPON ang hindi bababa sa 120 visual artists mula Gitnang Luzon at iba’t ibang bansa…
Read MoreInton kinuwestyon umano’y pressure sa impeachment vote PONDO SA MGA OO, KASO SA MGA HINDI?
“PONDO sa mga oo. Kaso sa mga hindi. Ganyan ba ang basehan sa pagboto?” Ito ang tanong ni Atty. Ariel Inton kaugnay ng mga alegasyong may umiikot umanong pera sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang matiyak ang paggulong ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Inton, maging ilang miyembro umano ng Kamara ay naniniwalang may “kampanya gamit ang dagdag pondo o pananakot ng pagsampa ng kaso kapalit ang boto” para sa darating na impeachment vote sa plenaryo. Aniya one-third vote o 106 boto ang kailangan upang…
Read MoreGARIN KAY LEACHON: SUMAWSAW KA NA NAMAN
“SUMAWSAW ka na naman!” Ito ang naging bwelta ni Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin kay Dr. Tony Leachon matapos nitong manawagan na magbitiw sa puwesto si Executive Secretary Ralph Recto dahil sa mga isyu sa PhilHealth at buwis. Ayon kay Garin, “misplaced,” pulitikal at malayo sa realidad ng pamamahala ang mga banat ni Leachon. “Kung totoong buwis ang adbokasiya mo, then say it straight: tax the rich, subsidize the poor and stop pretending that every complicated fiscal decision can be solved by calling for someone’s resignation,” ani Garin.…
Read MoreSC BALIK NA SA 5-DAY WORKWEEK
BALIK na sa five-day workweek ang Supreme Court matapos aprubahan ng SC En Banc ang pagtanggal sa work-from-home arrangement sa Korte. Batay sa resolusyong inilabas noong Abril 29, 2026, balik na sa 100 porsyentong on site reporting ang lahat ng empleyado mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon. Pinapayagan din sa resolusyon ang overtime work sa “case-to-case basis” kung aprubado ng Chief Justice. Sa kabila nito, mananatili pa rin ang ipinatutupad na energy conservation measures sa Korte Suprema. Nilagdaan ang resolusyon ni Clerk of Court Marife…
Read MorePROTEKSYON SA SAHOD NG PAKYAWAN WORKERS SUPORTADO NI CAYETANO
SUPORTADO ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang panukalang magbibigay ng mas malinaw na proteksyon sa sahod ng mga manggagawang binabayaran batay sa output o “pakyawan workers” na kadalasang tumatanggap ng sahod na mas mababa sa itinakdang minimum wage. Kabilang si Cayetano sa mga senador na pumirma sa Senate Bill No. 82 o “Anti-Abuse of Pakyawan Workers Act” na inakda ni Senator Raffy Tulfo. Layunin ng panukala na palakasin ang pasahod at dignidad ng mga manggagawa sa pamamagitan ng mas mahigpit na panuntunan sa pagkalkula at pagpapatupad ng output-based…
Read More