PEKENG ‘MAGIC SARAP’ NASABAT

ARESTADO ang isang lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang pekeng “Magic Sarap” seasoning products sa Iligan City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jojo,” residente ng Barangay Gusa, Cagayan de Oro City.

Ayon sa ulat, nakipag-ugnayan ang mga kinatawan ng Nestlé Philippines sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nasamsam mula sa kanyang pag-iingat ang 106 kahon ng hinihinalang pekeng “Magic Sarap” na nagkakahalaga ng P444,000.

Natuklasang ibinebenta umano ang mga produkto sa iba’t ibang lugar.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.

Paalala naman ng CIDG, mahigpit na ipinaglalaban ng gobyerno ang proteksyon ng mga mamimili laban sa mga pekeng produkto at ang karapatan ng mga lehitimong may-ari ng trademark.

(TOTO NABAJA)

85

Related posts

Leave a Comment