DRAMA SA KAMARA

ANO ba naman yan!! ­Sobrang kadramahan naman yang ginagawa mo Speaker Alan Cayetano!! Bakit mayroon pang ganoong kadramahan?

Puwede naman bilang isang maginoong kausap ay bumaba ka na lang sa napagkasunduang petsa at ipa­hayag na iyon ay pagtupad mo sa napagkasunduang term sharing.

Hindi yung may pa-epek ka pang resignation! Na sa halip ituon o pag-usapan sa araw na iyon ay ang 2021 national budget na hindi ninyo nagawa dahil inubos ninyo ang isang araw ng kadramahan!

Talaga bang ganoon kayo katakaw sa posisyon may padrama-drama epek pa?

Magpakalalaki ka naman!.

Di ba mayroon na kayong tinawag na gentlemen’s agreement ni Marinduque Lone District Congressman Lord Allan Velasco?! Kasama pa nga diyan ang Pangulong Duterte.

Mayroon pa nga kayong pinirmahang libro ng inyong kasunduan pagkatapos ngayong magtatapos na ang termino mo ay may pa-drama epek kana?!

Puwede bang Tapusin na muna ninyo yung kailangang matapos na 2021 national budget hindi yung mga pansarili lang ninyong kapakanan ang iniisip ninyo!! Nakakahiya kayo!! kasama na sa mga nakakahiyang mambabatas ay yung sumakay sa drama ni Cayetano.

Puro kayo mga ganid sa pwesto! Wala kayong alam kundi mga posisyon na kailangan ay hindi mawala sa pagkahawak ninyo! wala kayong pakialam sa kalagayan ng bansa at pangangailangan ng mga mamayan!

Tanong Mr. Cayetano at sa mga katulad mo sa kongreso! Noon bang pinagbigyan ka ni Congressman Velasco na ikaw na muna ang maunang maupo bilang Speaker mayroon bang consensus ang miyembro ng kongreso diba wala naman?!

Dahil usapang lalaki yon at iginagalang yon ng mga kasamahan mo sa kamara! Tapos ngayon biglang mayroong ganyang drama?!

Natural hindi papayagan ng mga kaalyado mo ang pagbibitiw mo dahil posibleng mawawala rin sa kanila yung hawak nilang mga posisyon sa Kongreso.

Nakakadismaya ang mga ito! Mahiya naman kayo sa balat ninyo! Inaasahan kayo ng bansa para sa maayos na lehislatura pero ang ginagawa ninyo Pang-pelikula!!

Dapat sa inyo mag-artista na lang at hayaan ninyo ang kongreso sa mga taong may pahalaga sa kapakanan ng bansa at iyung mayroong “KAHIHIYAN AT PALABRA DE HONOR”.

Iyung iba diyan hinangaan ko pa naman dahil makikita mo sa kanila ang kanilang pagmamahal sa kapakanan ng bansa at mayroong malasakit sa kanilang institusyong kina-aaniban na dapat mabigyan ng respeto o pag-galang.

Pero kung mayroong ganyang mga lider na walang pagpapahalaga sa kanilang mga pangako o sinumpaang kasunduan ay papaano mo naman igagalang ang mga yan!!?

Kaya po mga ka-saksi tandaan ninyo yang mga pulitikong mga yan, kung sila ba ay karapat-dapat pa ng inyong paggalang at tiwala.

STAY SAFE po mga KA-SAKSI, GOD BLESS.

132

Related posts

Leave a Comment