LIBONG PULIS HAHASAIN SA PAGGAMIT NG BARIL

ISASALANG muli sa marksmanship training ang libong kagawad ng Philippine National Police gamit ang iba’t ibang uri ng armas para mahasa ang kanilang shooting skills.

Layunin ni PNP Chief Gen. Camilo Cascolan na hindi lamang maging magaling na mga imbestigador ang mga pulis, kundi magaling din silang shooter.

Naniniwala si Cascolan sa sandaling maging efficient ang mga pulis, tiyak na mas magiging episyente at epektibo ang mga ito sa kanilang trabaho lalo na sa pag-iimbestiga sa mga kasong hawak nila.

Sigurado rin na istriktong susunod ang mga ito sa rule of law na may pagrespeto sa karapatang pantao.

Partikular ding tututukan sa gagawing pagsasanay ang rules of engagement, ang pagkakaroon ng decisive stance ng mga pulis kung kailan kailangan bumunot ng baril at magpaputok at saan dapat barilin ang suspek sa sandaling maharap sila sa isang krisis.

Sinabi ni Cascolan, layon lamang ng nasabing hakbang na maiwasan ng mga pulis na malagay sila sa alanganin at mabalikan sa kanilang maling desisyon lalo na sa pagbaril sa isang suspek.

Nilinaw naman ni Cascolan na ang pagsasailalim muli sa shooting training ng mga pulis ay hindi nangangahulugan na mahina silang pumutok.

Paliwanag ng heneral, ang kanilang objective ay magkaroon ng confidence buildup sa kapulisan lalo na iyong mga nasa lansangan. (JESSE KABEL)

140

Related posts

Leave a Comment