P47-M SHABU NASABAT SA BATANGAS

BATANGAS – Nasabat ng mga awtoridad ang pitong kilo ng hinihinalang shabu, tinatayang P47 milyon ang halaga, sa anti-illegal drug operation sa isang parking lot sa sa tabi ng isang bangko sa Sto. Tomas City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles.

Kasabay nito ang pagkakaaresto sa apat na mga suspek, kabilang ang mga big time drug personality sa Calabarzon.

Kinilala ang mga arestado na sina Joey Liro Mordes, Lanze Ravenn Esquivel, Angelo Baynas Morales at John Paul Villanueva Muyco.

Isinagawa ang operasyon ng magkakasanib na pwersa ng PDEA, Calabarzon PNP, Barangas PNP at mga tauhan ng Sto. Tomas Police, sa parking lot sa tabi ng Landbank sa Maharlika highway sa Barangay Poblacion 2, kung saan dumating ang mga suspek na sakay ng isang kotseng Mitsubishi Mirage.

Matapos ang transaksyon, hindi nakapalag ang mga suspek nang arestuhin ng mga awtoridad.

Nakumpiska sa mga ito ang pitong kilo ng umano’y shabu na may DDB value na P47,600,000.

Nakakulong na ang mga suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa Sec. 5, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (NILOU DEL CARMEN)

86

Related posts

Leave a Comment