Minority bloc sa bangayan sa Kongreso BUDGET MUNA BAGO PULITIKA

UMAPELA ang Minority bloc sa Kamara sa administration congressmen na isantabi muna ang kanilang pulitika upang hindi mapurnada ang interes ng mamamayan.

“We appeal for sobriety and statesmanship, and call on our colleagues in the Majority to reconcile their differences and to return to the urgent business at hand. Kailangan po tayo ngayon ng ating mga kababayan. Uulitin po namin: isantabi muna natin ang pulitika at tututukan natin ang kapakanan ng taumbayan,” ayon sa statement ng minority bloc na pinamumunuan ni House Majority Leader Bievenido Abante.

Ginawa ng grupo ni Abante ang panawagan matapos ang biglang pagsuspinde ni Cayetano sa deliberasyon sa pambansang pondo at agarang pagpasa sa ikalawang pagbasa ang P4.506 trillion budget gayung hindi pa nabubusisi nang husto ang pondo ng malalaking ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Health (DOH), Department of Transportation (DOTr), Department of

Public Works and Highways (DPWH) at iba pa.

Umapela rin ang grupo ni Abante na kinabibilangan ng Makabayan bloc na ibalik ang deliberasyon sa pambansang pondo sa plenaryo ng Kamara subalit mistulang tinabla ito ni Cayetano.

Sa Facebook live press conference, sinabi ni Cayetano na suspendido na ang sesyon hanggang Nobyembre 16 subalit tiniyak nito na hindi made-delay ang pagpapatibay sa pambansang pondo.

Bagay namang kinontra ng ilang senador. (BERNARD TAGUINOD)

100

Related posts

Leave a Comment