PD 851 iginiit ng labor coalition sa DOLE MARCOS LAW PARA SA OBRERO IPATUPAD

NANINDIGAN ang mga manggagawa na ipatupad ang Presidential Decree No. 851 na ipatupad nang tapat ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang magkaroon ng 13 month pay ang mga manggagawa sa Disyembre.

Ang P.D. 851 ay inilabas ng namayapang Pangulong Ferdinand E. Marcos upang magkaroon ng karagdagang badyet ang mga manggagawa sa paghahanda sa Pasko, bukod sa kanilang sahod sa Disyembre.

Iginiit ni Atty. Jose Sonny Matula, tagapangulo ng NAGKAISA Labor Coalition, na hindi maaring baguhin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang nasabing Marcos Law.

Tinukoy ni Matula ang kaso ni Perez vs PT&T (G.R. No. 152048, Abril 7, 2009) kung saan idineklara ng Korte Suprema na: “the law prevails over administrative regulations implementing it. The authority to promulgate implementing rules proceeds from the law itself. To be valid, a rule or regulation must conform to and be consistent with the provisions of the enabling statute. As such, it cannot amend the law either by abridging or expanding it scope.”

Inamin ni Bello na iginigiit ng mga manggagawa na ipatupad ang batas na inilabas noon ni Marcos pabor sa kanila.

Ani Bello, pinag-aaralan pa ng DOLE, kung itutuloy ng mga kumpanyang “distressed”, o ipagpaliban muna, dahil sa negatibong epekto ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa kanila.

Idiniin ni Bello na ang implementing rules and regulations (IRR) ng P.D. 851 na inilabas ng noo’y Labor Minister Blas Ople ay mayroong “exemptions” sa pagbibigay ng 13th month pay. (NELSON S. BADILLA)

412

Related posts

Leave a Comment