1 PATAY, 1 SUGATAN SA AMBUSH SA TONDO

PATAY ang isang 37-anyos na tambay habang malubha naman ang kasama nito nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang gunman sa Balut, Tondo, Manila noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Jay-Ar Castalome y Garbez, binata, ng #2280 Malaya St., sakop ng Brgy. 124 sa Balut, Tondo.

Habang ang kasama nitong si Alfredo Roy Elgarico, 28, binata ng #171 Younger St., Balut ay patuloy na inoobserbahan sa Chinese General Hospital.

Base sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-8:16 ng gabi nang mangyari ang insidente sa #171 Younger St. sakop ng Brgy.138 sa Balut, Tondo.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dumalo si Castalome sa idinaos na birthday party sa bahay ni Elgarico.

Ngunit biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima at pagkaraan ay tumakas lulan ng isang itim na SUV.

Namatay noon din si Castalome habang mabilis namang isinugod si Olgarico sa ospital.

Napag-alaman, ang dalawang biktima ay kapwa nasangkot sa paglabag sa RA 9165 & RA 10591.

Bukod dito, si Castalome umano ay suspek sa paghagis ng granada sa MPD-Station 1 noong 2014. (RENE CRISOSTOMO)

223

Related posts

Leave a Comment