2 DOKTOR SA GENSAN, 2 ANAK POSITIBO SA COVID

GEN. SANTOS CITY – Isang mag-asawang doktor at dalawang anak ng mga ito ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod na ito, iniulat nitong Sabado.

Ayon sa ‘profiling’ ng City Inter-agency Task Force on COVID-19, ang mga positibo ay isang babaeng doktor na naka-destino sa rural health unit, at mister nito na isang medico legal officer ng isang law enforcement agency.

Habang naging positibo rin ang 7-anyos na lalaki at 6-anyos na babae na mga anak ng mag-asawa nang ma-exposed sa kanilang mga magulang.

Kasalukuyang umabot na sa 665 kaso ng COVID-19 ang naitala habang 24 naman ang nasawi sa nasabing lungsod.

Kaugnay nito, nananawagan naman si City Mayor Ronnel Rivera sa publiko na sundin ang health protocols na ipinatutupad ng gobyerno partikular na ang minimum health standards. (BONG PAULO)

183

Related posts

Leave a Comment