P4.5-T GAB NG KAMARA NAISUMITE NA SA SENADO

INIHAYAG ni Senador Panfilo Lacson na kahit may kaunting constitutional issues na kinasasangkutan ang bersiyon ng mababang kapulungan sa 2021 General Appropriation Bill (GAB), may sapat na panahon ang Senado na aprubahan ito at maiwasan ang re-enacted budget.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na sinimulan nang pag-aralan ng Senado ang bersiyon ng Kamara saka aayusin sa deliberasyon upang pagsanibin ang magkabilang bersiyon, kahit may ilang amyenda ang “maliit na grupo” dito na labag sa Saligang Batas.

“Regardless of the constitutional issues involving the House of Representatives’ version of the 2021 budget bill, it is still good that the Senate has enough time to approve our own version, leaving room for the bicameral conference and submission to the President for approval, thus avoiding a re-enacted budget,” ayon kay Lacson.

Sinabi ni Lacson na kanyang isinumite nitong Lunes ng hapon ang kanyang report sa Finance Subcommittee C na sumasakop sa lahat ng ahensiyang naitalaga sa kanya bilang chairman, alinsunod sa itinakdang deadline ng mother committee na October 26.

“However, I based my report on the National Expenditure Program, with a caveat that necessary adjustments will be made once the General Appropriations Bill is transmitted by the House,” ayon kay Lacson.

“Now that the GAB is available as reported, once we get hold of our copy, I’ll make adjustments based on the House version of the budget bill,” paliwanag pa ni Lacson.

Nauna nang inanunsyo ni House Speaker Lord Allan Velasco, na naisumite nila nang mas maaga ng isang araw sa itinakdang petsa ng Kamara ang hard copy ng pambansang pondo sa Senado.

Ito na ang pinakamalaking pondo ng Pilipinas sa kasaysayan, na ayon kay Velasco ay gagamitin para sa pagbangon sa ekonomiya ng bansa na labis na naapektuhan sa pandemya sa COVID-19.

“Not only did we pass the proposed 2021 national budget in a timely, constitutional and legal manner, we also made sure next year’s spending plan will be more reflective and responsive to the needs of the people amid the worst public health crisis in a generation,” ani Velasco.

Sa nasabing halaga, umaabot sa P20 billion ang ipinasok na ‘institutional amendments” ng Kamara kung saan dinagdagan ang pondo ng pagbili ng COVID-19 vaccines.

Mula sa orihinal na P2.5 billion na panukala ng Executive Department na pambili ng bakuna sa COVID-19 sa susunod na taon ay ginawa itong P5.6 billion ng Kamara at binigyan din ng karagdagang P4 billion ang Department of Labor and Employment (DOLE) para tulungan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. (ESTONG REYES/BERNARD TAGUINOD)

119

Related posts

Leave a Comment