MAHIGIT P6 milyon halaga ng hinihinalang smuggled na e-bike batteries, chargers at e-bikes ang nasabat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang warehouse sa Barangay Laug, Mexico, Pampanga.
Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga awtoridad ang warehouse na umano’y pinatatakbo ng Antelope Electric Motors.
Nakumpiska ang 365 imported e-bike batteries, 90 battery chargers, at 20 e-bikes na may kabuuang halagang P6.02 milyon.
Ayon sa CIDG, walang Import Commodity Clearance (ICC) stickers, Philippine Standard (PS) marks, at kaukulang business permit ang mga produkto at warehouse.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Consumer Act of the Philippines ang mapatutunayang may-ari ng mga nakumpiskang kontrabando.
(JESSE RUIZ)
33 