PDEA TINIYAK MAS PINAIGTING NA KAMPANYA KONTRA ILEGAL NA DROGA

TINIYAK ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga kasabay ng pagdiriwang ng ika-24 anibersaryo ng ahensya sa Camp General Aguinaldo, Quezon City.

Sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez na nananatiling matatag ang kanilang mandato na bumuo ng ligtas at drug-free na mga komunidad.

“We will continue to serve with integrity, act with urgency, and stand firm in defending the safety, dignity, and future of every Filipino,” ani Nerez.

Bahagi ng selebrasyon ang pagkilala sa mga natatanging opisina at personnel ng PDEA, gayundin ang paglulunsad ng PDEA Manual on Anti-Illegal Drug Operation and Investigation (MAIDOI) upang higit pang mapahusay ang operasyon at imbestigasyon ng ahensya.

(JESSE RUIZ)

82

Related posts

Leave a Comment