NAGSAGAWA ng aerial inspection si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga lugar na sinalanta ng Super Typhoon Rolly nitong weekend.
Sa mga larawan na ibinahagi sa mga mamamahayag ngayong hapon, makikita na nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Duterte kasama si Senador Bong Go.
Kabilang sa mga ininspeksyon nina Pangulong Duterte ang mga lugar sa Catanduanes, unang lalawigan na binayo ng bagyong Rolly at ang bayan ng Guinobatan sa Albay.
Lumapag ang chopper sa Guinobatan kung saan sinalubong ng mga lokal na opisyal ang pangulo.
Matapos ang pagbisita, sinabi ni Go na nakipagkita ang pangulo sa mga concerned government official para sa situation briefing at pinag-usapan ang relief at rehabilitation efforts para sa mga apektado ng bagyo.
Sa kasagsagan ng bagyo ay trending ang #NasaanAngPangulo na idinepensa naman ni Sec. Harry Roque na bagaman nasa Davao ay naka-monitor ang pangulo sa mga nangyayari. (CHRISTIAN DALE)
