ARESTADO sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Galas Police Station (PS 11) ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang babae habang nasagip ang isang menor de edad sa buy-bust operation sa Pasay City noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ni QCPD Director, Police Brigadier General Ronnie S. Montejo ang suspek na si Charmian Untalan, 42-anyos,
Ayon sa ulat, itinimbre ng isang confidential informant sa PS-11 ang
illegal drug peddling activities ng suspek kaya’t naglatag ng buy-bust operation ang mga awtoridad dakong alas-8:15 ng gabi noong Nobyembre 5 sa Aurora Blvd. malapit sa Saint Joan St., Barangay 186, Tramo, Pasay City na nagresulta sa pagkakadakip kay Untalan na nakumpiskahan ng P50 gramo ng shabu na tinatayang P340,000 ang halaga.
Habang nasagip naman ng mga awtoridad ang 17-anyos na binatilyo na kasama ng suspek.
Ang suspek kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang ang menor de edad ay dinala sa QC-SSDD. (JOEL O. AMONGO)
149
