SENADO HINIMOK IPASA ANG DDR

ITINUTURING na panibagong “wake up call” sa gobyerno ang pagkamatay ng 20 katao sa Bicol na biktima ng Bagyong Rolly, kaya naman nanawagan ang isang mambabatas sa Senado na ipasa na ang kinakailangang Department of Disaster Resilience(DDR).

“Ilan pang buhay ang kailangan na masakripisyo bago umakto ang Senado?” tanong ni Albay Rep. Joey Salceda sa harap na rin ng patuloy nitong pagtutol na ipasa ang DDR na una nang sinertipika bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) at naipasa na rin sa House of Representatives sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Salceda, isang “fact of life” ang kalamidad sa Pilipinas, may mga aktibong bulkan ang bansa, mas marami at malalakas na bagyo ang pumapasok kada taon at dinagdagan pa ng climate change. Ang lahat aniya ng epekto nito ay kayang mabawasan kung mayroong isang full-time agency na tutugon at maghahanda sa oras ng kalamidad.

“Fortune favors the prepared. We cannot avoid typhoons and other calamities that come with our geography, but we can keep the risks low and the damage controlled. That is resilience: being able to achieve meaningful progress despite natural and external adversities The DDR will be the primary agency responsible, accountable, and liable for leading, managing, and organizing national efforts to prevent and reduce disaster risks; prepare for and respond to disasters; and recover, rehabilitate and build forward better after the destruction,”paliwanag ni Salceda.

Sa inaprubahang House Bill 5989 o Disaster Resilience Act ng Kamara na pagbuo ng DDR ay magtatatag din ng National Disaster Operations Center (NDOC) na siyang mangangasiwa sa monitoring at reresponde sa mga lugar na apektado ng kalamidad, Alternative Command Centers (ACC), ang command center na tutulong sa NDOC at Disaster Resilience Research and Training Institute (DRRTI) na syang mangunguna sa training at pamamahagi ng impormasyon.

Hindi lamang simpleng ahensya ang DDR dahil sa oras na maisabatas ang Disaster Resilience Act ay tutugunan nito ang lahat ng paghahanda at rehabilitative efforts sa lahat ng uri ng natural hazards kabilang na ang Geological Phenomena gaya ng earthquake, volcanic activity, Hydrological, Oceanographic at Meteorological Phenomena, Climate Variability/Change gaya ng El Nino/La Nina, mga bagyo at pagpapatayo ng LGUs ng permanent evacuation center na nakaporma alinsunod sa standards ng United Nations Humanitarian Charter and Minimum Standards in Humanitarian Response.

Sa termino ni Cayetano bilang House Speaker natutukan ang pagpasa ng DDR alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA subalit patuloy itong nakabinbin sa Senado.
Nanindigan ang mga mambabatas na hindi na kailangan pang hintayin ang “the big one” para umaksyon at baka maging huli na ang lahat. (CESAR BARQUILLA)

119

Related posts

Leave a Comment