DALAGITA PATAY SA LAS PIÑAS FIRE

NATAGPUANG patay na ng mga bumbero ang isang 13-anyos na dalagita makaraang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Las Piñas City noong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat, limang bahay ang natupok sa Lopez Compound sa Brgy. Daniel Fajardo na tumagal ng isang oras.

Ayon sa imbestigasyon, sinabi ni Supt. Arthur Sawate, City Fire Director ng Las Piñas, tinitingnan nilang sanhi ng sunog na nagsimula dakong 9:40 ng gabi, ang naiwang nakasinding kandila.

Nabatid sa ulat, naiwan sa kuwarto ang biktima at ang nakababatang kapatid nito nang bumili ng diaper ang kanilang mga magulang.

Tiyempo namang nasa banyo ang lola ng biktima nang magsimula ang sunog na mabilis na kumalat ang apoy.

Nalapnos at nasugatan ang isang fire volunteer nang iligtas ang nakababatang kapatid ng biktima.

Tinatayang umabot sa P200,000 ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa sunog.

Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang posibleng sanhi ng insidente. (CATHERINE CUETO)

280

Related posts

Leave a Comment