Sa pagtatanggol sa Makabayan bloc sa red-tagging KREDIBILIDAD NG MILITAR MASISIRA

NABABAHALA ang isang abogado na posibleng makaapekto sa kredibilidad ng militar ang pagtatanggol ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso sa kanilang mga kasamahan na kabilang sa tinaguriang Makabayan bloc.

Itinuturing ni Atty. Trixie Angeles na panghihimasok at pangmamaliit sa kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawa ni House Speaker Lord Allan Velasco nang tahasan nitong ipagtanggol ang Makabayan bloc sa akusasyon ni AFP Southern Luzon Command Chief Gen. Antonio Parlade na nag-uugnay sa mga ito sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Para kay Angeles, sinira ni Velasco ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga communist group nang maliitin nito ang impormasyon na mula mismo sa AFP.

“With all due respect, Speaker Lord Allan Velasco. I understand you and all other congressmen are duly elected officials. And that you must speak this way to protect the men and women in Congress. But that does not mean you get to dictate military or legal strategy,”paliwanag ni Angeles.

Aniya, kung hindi rin alam ni Velasco ang nangyayari sa ground ay mainam na hayaan na ang isyu sa AFP.

Minumulat umano ng AFP ang publiko ukol sa recruitment na nangyayari sa mga unibersidad kaya nagpapalabas ng impormasyon at babala ang AFP sa mga magulang ukol sa pagsali sa komunistang grupo at inilalantad din nito sa publiko ang mga personalidad na nasa likod ng grupo. Aniya, nakalulungkot na mismong si Velasco na mula sa administrasyon ang pumipigil dito sa halip na hayaan ang estratehiyang ginagawa ng AFP.

“The communist insurgency has taken lives, broken families, arrested national development. It has been over fifty years, Clearly, we need to change our approach to this problem and end it once and for all. The old ways havent worked. So Gen. Parlade has brought the war for hearts and minds into the public eye and it is working,” paliwanag ni Angeles.

Una nang sinabi ni Parlade, tagapagsalita rin ng National Task Force to End Local Communist (NTF-ALCAC) na under surveillance ang mga progressive solon sa pagiging miyembro umano ng CPP. Inalmahan naman ni Velasco ang red-tagging sa Makabayan bloc at binalaan pa si Parlade na mag-ingat sa kanyang mga akusasyon na walang basehan. (DAVE MEDINA)

142

Related posts

Leave a Comment