TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga flood-hit residents sa Cagayan Valley na hindi tumitigil ang pamahalaan at gagawin nito ang lahat para ibangon ang kanilang buhay mula sa pagkawasak nang manalasa ang bagyong Ulysses.
“I want to personally assure our fellowmen here that the government will continue its rescue operations until all families are saved, all casualties and missing persons have been accounted for, and all affected individuals and communities have received their needed relief and other assistance,” ayon sa pangulo.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang pangulo sa mga pamilya na namatayan ng mahal sa buhay dahil sa mataas at malawakang tubig-baha.
Pinangunahan ng pangulo ang situation briefing sa lalawigan ng Cagayan sa gitna ng pinsalang iniwan ng bagyong Ulysses.
Ayon sa Chief Executive, milyong pisong halaga ng tulong ang ibinigay sa Region II ng mga government line agency gaya ng Department of Social Welfare and Development, LGUs at NGOs.
“I urge the LGUs to actively collaborate with the task force created to lead the rehabilitation efforts because your lives including your good health, safety and improved welfare are the government’s priority,” ang pahayag ng pangulo. (CHRISTIAN DALE)
