INORGANISA ni Senador Grace Poe ang ilang team ng volunteers na mag-impake at magdala ng relief goods sa mga biktima ng baha sa CagayanValley, isa sa pinamatinding hinagupit ng Bagyong Ulysses.
“Kailangan maibigay natin ang lahat ng kailangang tulong na kaya natin ngayon dahil ito ang pinakakritikal na oras sa mga nakaligta sa kalamidad. Bawat donasyon na nakakarating sa kanila ay naghahatid ng mensahe na hindi sila kinalilimutan at paparating ang tulong,” ayon kay Poe.
Naging catch basin ang Cagayan Valley, tahanan ng 4,100 megawatt na Magat Dam, ng rumaragasang tubig mula sa lalawigan na apektado ng bagyong Ulysses na dumaloy ang dam kaya walang magawa ang operator nito. Ipinakita ng aerial photos ng Cagayan Valley ang hindi matukoy na lugar na itinuring na pinakamatinding pagbahang naranasan ng rehiyon sa loob ng 40 taon.
Mahagi ang mga volunteer sa tanggapan ni Poe ng bag na naglalaman ng bigas, sardinas, bitamina at calamansi juice sa Ilagan City at Munisipalidad ng Tumauini sa Isabela kabilang angTuguegarao City.
Nangyari ang donasyon sa pamamagitan ng Panday Bayanihan, isang non-governmental organization na itinayo noong2013 nang manalasa ang bagyong Maring na naapektuhan ang mahigit 2.5 milyong Filipino at nawalan ng tahanan ng mahigit 80,000 residente.
“Hindi sapart ang muling pagsasaayos at pagbabangon, dapat maging matatag tayo. Hindi ito magiging hulio pinakamatinding kalamidad na dadaan sa ating bansa, kailangan natin kumilos upang maging handa sa pangmatagalang pamamaraan at paglikha ng komunidad na maging matatag sa epekto ng climate change,’ ayon kay Poe.
Kamakailan, inihain ni Poe ang Senate Bill No. 124 o ang panukalang “Philippine Disaster Risk Reduction and Management System Act” na pinapayagana ng local government units na gumawa lampas sa pagbabangon at pagtatayo ng komunidad na matatag sa kalamidad.
Layunin nitong magkaroon ng mas malawak ng accountability sa pagtatalaga ng kalihim ng Department of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management na bubuuin, sakaling maisabatas ang panukala.
“Naunang may mga panawagan, panukalang insiyatiba at lehislasyon upang tulungan tayo na maghanda sa epekto ng climate change. Ngayon, ikinokonsidera na natin na “What if? Umaasa ako na hindi ito magiging “what if” kapag dumaan ang susunod na kalamidad,’ ayon kay Poe. (ESTONG REYES)
296 