SINALUBONG ng mga tauhan ng Philippine Navy ang dalawang barkong pandigma ng South Korea na may dalang ayuda at bitbit ang banner na nagsasabing hindi nila nakalilimutan ang sinakripisyong buhay ng mga Pilipino noong 1950 Korean war.
Kasabay nito ay nagsagawa ng traditional Passing Exercise (PASEX) ang Philippine Navy corvette BRP Conrado Yap (PS39) war ships ng Republic of Korea Navy (ROKN) sa karagatang malapit sa Manila Bay.
Ayon sa mensaheng ipinarating kay Navy Flag Officer In Command (FOIC) Vice Adm Giovanni Carlo Bacordo, dumaan sa Manila ang ROKS Kang Gam-chan (DDH-979) at ROKS Soyang (AOE-51) kabilang ang ROKN Cruise Training Task Group bilang bahagi ng kanilang paglalakbay sa iba’t ibang puerto at upang ihatid ang kahon-kahon na face mask at hand sanitizers.
Dahil sa nararanasang pandemya dulot ng COVID-19, nagpasya ang ROKN na maghatid ng ayuda at magsagawa ng sea exercise kaagapay ang barko ng Philippine Navy bago tumuloy sa Malaysia.
May dala din silang banner namay nakasulat na” “Not once have we forgotten your sacred sacrifices na bahagi ng pag-aalala at pasasalamat sa Pilipinas sa pagpapadala ng tropa ng militar noong 1950 Korean
Sa bawat pagtitipon, kahit mga ordinaryong Koreano ay hindi nakalilimutan ang kabayanihan ng mga Pilipino na kasama nilang lumaban at nagbuwis ng buhay noong panahon ng digmaan. Ang Pilipinas ang kauna-unahang Asian country na nagpadala ng Expeditionary Forces sa Korea nuong 1950.
Isa ito sa mga dahilan kaya ibinigay nila sa Philippine Navy ang barko na pinangalanang BRP Conrado Yap, sa alaala ng isa sa mga bayaning sundalo nuong Korean war.
Matapos iabot ang ayudang face mask at hand sanitizers, nagsagawa ng tactical maneuvers ang tatlong war ship na nagwakas sa paghahatid nito sa susunod na mission. (JESSE KABEL)

171
