MALAKANYANG TIWALANG MAPADADALI NA ANG PAGBILI NG COVID-19 VACCINE

MAS mgiging madali na para sa bansa ang pumili at bumili ng COVID-19 vaccine.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraan niyang italaga si Finance Sec. Carlos Dominguez na maging katuwang ni Sec. Carlito Galvez sa pangangasiwa ng bibilhing bakuna sa ibang bansa.

Ang paliwanag ng chief executive, mahalaga rin ang gagampanang papel ni Sec. Dominguez sa pagbili ng bakuna dahil nangangailangan aniya ito ng budget allocation.

Sinabi ng pangulo na kaya niya itinalaga si Sec. Dominguez na maging katuwang ni Sec. Galvez ay upang matiyak na mayroong sapat na pondo ang gobyerno para bumili ng de-kalidad at epektibong bakuna laban sa COVID-19.

Samantala, muli namang sinabi ni Pang. Duterte na mayroon nang nadiskubreng bakuna at nabigyan na aniya siya ng opsyon kung paano makakukuha nito ang Pilipinas. (CHRISTIAN DALE)

122

Related posts

Leave a Comment